Filtered By: Topstories
News

Mga pangulo ng bansa na inilibing sa Manila North Cemetery


Alam ba ninyo na may apat na dating pangulo ng Pilipinas ang inilibing sa Manila North Cemetery? Kilala ba ninyo kung sino ang mga lider na ito?

Ang Manila North Cemetery ang kinukonsiderang pinakamalaking libingan sa Metro Manila.

Ayon sa website ng Malacañang (http://malacanang.gov.ph), kabilang sa mga kilalang personalidad na nakalibing dito ay ang mga naging pangulo ng bansa na sina  Manuel L. Quezon, Manuel A. Roxas, Sergio Osmeña, at Ramon Magsaysay.

Si Quezon ang unang pangulo ng bansa na inilibing sa Manila North Cemetery matapos pumanaw noong 1944. Pero inalis ang kaniyang mga buto sa nabanggit na libingan noong 1979 at inilipat sa Quezon Memorial Circle. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia